Bakit ako tamad? ›
Yung totoo? hindi ko rin alam.. at gusto ko ding malaman..
Kung aanalisahin (Whoa! ang hirap ng tagalog na yun ha..) kong mabuti, siguradong mahihirapan ako..
Naalala ko tuloy ung isang funny quote that i had once receive.. it goes like this..
“Hindi na baleng tamad, hindi naman pagod..”
That made me laugh hard nung una kong ma-encounter ung quote na yun(eh sa natawa ako eh).. it was sent by a friend na para ding ako, tamad.. Kami ang mga anak ni Juan (Tamad).. Of course, everyone of us know or at least aware of his tale..
Pero bakit ako, tamad na nga, pagod pa..
Sabi ng nanay ko masyado na daw kaming spoon-fed(kamusta ang spoonfed??HAHAH) pagdating sa learning.. Tulad ng pag-nganga ni Juan at paghintay na malaglag ang bayabas sa bibig nya, ay ganoon daw ako.. Papasok sa eskwela, nganganga, at isusubo ng guro ang mga bagay na dapat kong malaman.. Kaya pag wala ang guro wala na din daw ako.
Ganoon na ba ako?
Maaring ang iba sa amin.. pero masasabi kong hindi ako..
OO, hindi ako nag-aaral sa bahay.. hindi ako regular na nagbubuklat ng notes o nag-a-advance reading ng topics.. Nangongopya ako ng notes.. Minsan, nangongopya at nagpapakopya ako sa exams tulad ng isang normal na estudyante
Hindi ako huwarang estudyante..
Pero masasabi kong hindi ako dependent sa mga guro ko..
O kahit sa mga kaklase ko..
Hindi ako spoon-fed.. Pero, OO, TAMAD talaga ako..
Tamad ako.. pero naniniwala ako sa kakayahan ko.. Alam kong matalino ako (pede kang kumontra kung gusto mo) May self-discipline problem lang talaga..
i know my strengths..
as well as my weaknesses..
but still, i refuse to do any corrective actions to address my negative attitude..
kasi ang nasa isip ko, kaya ko naman eh.. outstanding pa din naman kahit ganito..Kaya pede na..
Alam ko, aminado ako, mali ang ganitong mentality..
i should always give my best in everything i do..
pero, ang kaso, tinatamad ako..
Matatapos ko na ang blog ko na to, pero hindi ko pa din nasasagot kung bakit tamad ako..
Pero hindi naman nasayang ang bawat salitang nai-type ko dito..
nagkaron din naman ako ng realization while doing this blog post…
that is..
Hindi na ganoon kaimportanteng malaman pa kung anu ang dahilan ng katamaran na ito… Ang importante ay harapin at itama ko na ang maling pag-uugali na to.. Ang kailangan ko ay determination and strong desire for change.. I need someone who will help me and remind me of this cause.. And lastly, i need to do it soon.. Before time runs out..”
